Font Size
Ecclesiastico 27:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 27:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Ang sugat ay maaari pang gamutin,
ang kasalana'y maaari pang mapatawad;
ngunit ang pagsisiwalat ng lihim ay wala nang nalalabing lunas.
Ang Pagpapaimbabaw
22 Ang taong malikot ang tingin ay masama ang binabalak,
at walang makakahadlang sa kanyang iniisip.
23 Anong tamis niyang mangusap kapag siya'y kaharap,
kunwari'y hangang-hanga sa iyong sinasabi.
Ngunit sa talikura'y agad siyang nag-iiba,
at ang bawat sinabi mo'y pinauuwi sa masama.