Font Size
Ecclesiastico 33:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 33:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Mayroon siyang pinagpala at pinadakila,
mayroon siyang hinirang at itinalagang maglingkod sa kanya;
at mayroon namang sinumpa, pinahiya, at pinalayas sa kanilang kinalalagyan.
13 Ang putik ay hinuhugisan ng magpapalayok
ayon sa kanyang maibigan.
Gayundin naman, ang tao ay binibigyan ng Diyos ng kani-kaniyang kalagayan,
ayon sa kanyang minamarapat.
14 Ang katapat ng masama ay ang mabuti,
ang katapat ng kamatayan ay ang buhay,
at ang katapat ng makasalanan ay ang taong maka-Diyos.