Font Size
Ecclesiastico 43:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 43:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 Sa kapangyarihan niya, nagagawa niya ang bawat maibigan,
at sa bisa ng kanyang salita ang lahat ay nagkakaisa.
27 Hindi natin matatapos baybayin ang lahat niyang ginawa,
kaya't wala na tayong masasabi pa kundi: “Ang Panginoon ang kabuuan ng lahat ng bagay.”
28 Paano natin siya pupurihin nang sapat,
yamang siya, ang Dakilang Diyos, ay higit sa lahat niyang nilalang?