Font Size
Ecclesiastico 44:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 44:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Matatanyag sa mga bansa ang kanilang karunungan,
at patuloy silang pararangalan ng buong sambayanan.
Si Enoc
16 Namuhay(A) si Enoc ayon sa kalooban ng Panginoon, at siya'y buháy na dinala ng Diyos sa langit,
upang maging halimbawa ng pagsisisi sa susunod na mga salinlahi.
Si Noe
17 Si(B) Noe ay natagpuang matuwid at tapat,
kaya't naligtas siya sa galit ng Panginoon.
At dahil sa kanya'y may natirang tao sa lupa,[a]
nang gunawin ang daigdig sa pamamagitan ng baha.
Footnotes
- 17 At dahil…lupa: o kaya'y At binigyan niya ng bagong pag-asa ang sangkatauhan .