Add parallel Print Page Options

Doon sa Egipto, sa isang salita niya'y dumating[a] ang pagkawasak,
    at dinakila siya sa harapan ng mga hari.
Ibinigay sa kanya ng Panginoon ang Kautusan para sa kanyang bayan,
    at pinakitaan siya ng kanyang kaluwalhatian.
Pinili siya dahil sa kanyang katapatan at kababaang-loob,
    at ibinukod mula sa karamihan.
Ipinarinig sa kanya ng Diyos ang kanyang tinig,
    at dinala siya sa maitim na ulap.
Iniabot sa kanya ang Kautusan,
    ang batas na nagbibigay-buhay at pang-unawa.
Upang ituro niya sa lahi ni Jacob ang kahulugan ng Kasunduan,
    at malaman ng buong Israel ang kanyang mga utos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 dumating: Ganito ang nasa tekstong Hebreo. Sa tekstong Griego ay huminto .