Font Size
Ecclesiastico 6:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 6:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan,
at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.
Matuto ka sa Karunungan
18 Anak, mula pa sa iyong kabataan pahalagahan mo na ang Karunungan,
at kapag tumanda ka'y patuloy mo siyang makakamtan.
19 Linangin(A) mo ang Karunungan gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin,
at mag-aani ka nang masagana;
magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya,
at lalasap ka ng masarap niyang bunga.