Add parallel Print Page Options

13 Huwag kang magsisinungaling kailanman,
    sapagkat walang kabutihang maidudulot ang ugaling iyan.
14 Sa kapulungan ng matatanda, huwag kang madaldal;
    sa iyong pananalangin, huwag kang paulit-ulit ng walang katuturan.

15 Huwag mong kainisan ang pagsasaka at paggawang nakakapagal,
    sapagkat iyan ay gawang itinakda ng Kataas-taasang Diyos.

Read full chapter