Add parallel Print Page Options

Siyang(A) humuhukay ng balon ay mahuhulog doon;
    at ang lumulusot sa pader ay kakagatin ng ulupong.
Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyon;
    at ang nagsisibak ng kahoy ay nanganganib doon.
10 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninuman ang talim,
    dapat nga siyang gumamit ng higit na lakas;
    ngunit ang karunungan ay tumutulong upang ang isang tao'y magtagumpay.

Read full chapter