Add parallel Print Page Options

(A)Magbigay ka ng bahagi sa pito, oo, sa walo; (B)sapagka't hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa.

Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan, ay tumutulo sa lupa: at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan, o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi.

Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani.

Read full chapter