Add parallel Print Page Options

15 Nang magkagayo'y (A)pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.

Ang hiwaga ng mga gawa ng Panginoon.

16 Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, (B)at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata:)

17 Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas (C)ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman (D)hindi rin niya masusumpungan.

Read full chapter