Add parallel Print Page Options

12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (A)ng katawan ni Cristo:

13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (B)kapuspusan ni Cristo:

14 Upang tayo'y huwag nang maging (C)mga bata pa, (D)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

Read full chapter