Add parallel Print Page Options

30 At (A)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (B)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (C)pagkatubos.

31 Ang lahat ng kapaitan, (D)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:

32 At (E)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (F)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Read full chapter