Add parallel Print Page Options

30 Huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pamama­gitan niya ay natatakan kayo para sa araw ng katubusan. 31 Alisin ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit, poot, sigawan, panlalait at lahat ng uri ng masamang hangarin. 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa, mahabagin, nagpapatawaran sa isa’t isa, kung papaanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.

Read full chapter