Add parallel Print Page Options

25 Mga lalake, (A)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (B)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (C)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (D)na may salita,

27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (E)maluwalhati, na (F)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (G)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

Read full chapter