Add parallel Print Page Options

“Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako. At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”[a]

At kayo namang mga magulang,[b] huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:3 Exo. 20:12; Deu. 5:16.
  2. 6:4 magulang: sa literal, mga ama.