Font Size
Efeso 6:9-11
Ang Biblia, 2001
Efeso 6:9-11
Ang Biblia, 2001
9 At(A) mga panginoon, gayundin ang inyong gawin sa kanila, iwasan ang pananakot yamang nalalaman ninyo na kayo ay may iisang Panginoon sa langit, at siya'y walang itinatanging tao.
Ang Buong Kasuotang Pandigma
10 Sa kahuli-hulihan, patuloy kayong magpakalakas sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kanyang lakas.
11 Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang kayo'y makatagal laban sa mga pakana ng diyablo.
Read full chapter