Add parallel Print Page Options

(A)Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang (B)ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:

Ayon sa pagkapili niya sa atin (C)sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis (D)sa harapan niya sa pagibig:

Na tayo'y itinalaga niya nang una pa (E)sa pagkukupkop na tulad sa mga anak (F)sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, (G)ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,

Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa (H)Minamahal:

Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (I)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

Na pinasagana niya sa atin, sa buong (J)karunungan at katalinuhan,

Read full chapter