Efeso 1:3-8
Ang Biblia (1978)
3 (A)Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang (B)ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:
4 Ayon sa pagkapili niya sa atin (C)sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis (D)sa harapan niya sa pagibig:
5 Na tayo'y itinalaga niya nang una pa (E)sa pagkukupkop na tulad sa mga anak (F)sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, (G)ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,
6 Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa (H)Minamahal:
7 Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (I)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
8 Na pinasagana niya sa atin, sa buong (J)karunungan at katalinuhan,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978