Add parallel Print Page Options

18 Kaya simula ngayon, maaaring ito rin ang gawin ng mga asawa ng mga pinuno ng Persia at Media, na makakabalita sa ginawa ng reyna. Kaya ang mangyayari, hindi na igagalang ng mga asawang babae ang kanilang mga asawang lalaki, at magagalit ang mga ito sa kanila.

19 “Kaya kung gusto ninyo Mahal na Hari, iminumungkahi namin, na gumawa kayo ng isang kautusan na huwag nang magpakita pa sa inyo si Reyna Vasti, at palitan ninyo siya ng reynang mas mabuti kaysa sa kanya. Ipasulat po ninyo ang kautusang ito, at isama sa mga kautusan ng kaharian ng Persia at Media para hindi na mabago. 20 At kapag naipahayag na ito sa buong kaharian, tiyak na igagalang ng mga babae ang mga asawa nila mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba.”

Read full chapter