Add parallel Print Page Options

Ang mga alak ay inihain sa mga kopitang ginto na iba't iba ang hugis. Napakaraming mamahaling alak ang inilabas; alak na angkop lamang sa isang hari. Walang humpay ang pagpapamahagi ng inumin; ipinag-utos ng hari sa mga katulong na ibigay ang hilig ng bawat isa.[a] Walang pilitan sapagkat ipinag-utos ng hari sa kanyang mga katulong na ibigay ang hilig ng bawat isa. Samantala, si Reyna Vasti ay nagdaos din ng piging sa palasyo para naman sa kababaihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ester 1:8 Walang humpay…bawat isa: o kaya'y Nasa ayos ang pag-iinuman .