Font Size
Ester 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Naging Reyna si Ester
2 Lumipas ang mga araw at napawi ang galit ni Haring Xerxes. Naalala niya si Vasti, ang ginawa nito at ang utos na nilagdaan niya laban dito. 2 “Bakit di kayo magpahanap ng mga magagandang dalagang may ginintuang kalooban, Kamahalan?” tanong sa kanya ng kanyang mga lingkod. 3 “Pumili kayo ng mga tauhan sa bawat lalawigan para humanap ng magagandang dalaga sa kanilang lugar at dalhin sa inyong harem sa Lunsod ng Susa. Ipagkatiwala ninyo sila kay Hegai, ang eunukong namamahala sa harem ng hari, at bigyan ninyo sila ng mga pampagandang kailangan nila.
Read full chapter