Add parallel Print Page Options

16 Noon ay ikalabindalawang buwan ng ikapitong taon ng paghahari ni Haring Xerxes. 17 Lubos na nabighani ang hari kay Ester at inibig niya ito nang higit sa ibang babae. Kaya, kinoronahan siya nito bilang reyna. 18 Nagdaos ng isang malaking handaan ang hari upang ipagdiwang ang kanilang kasal ni Ester at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang mga pinuno at mga kaibigan. Kaugnay nito, ipinag-utos din ng hari na bawasan ang buwis ng mga mamamayan sa buong kaharian.

Read full chapter