Font Size
Ester 2:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 2:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Nagdaos ng isang malaking handaan ang hari upang ipagdiwang ang kanilang kasal ni Ester at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang mga pinuno at mga kaibigan. Kaugnay nito, ipinag-utos din ng hari na bawasan ang buwis ng mga mamamayan sa buong kaharian.
Iniligtas ni Mordecai ang Hari[a]
19 Samantala, si Mordecai naman ay naitalaga sa isang mataas na katungkulan sa pamahalaan. 20 Hanggang sa panahong iyon, hindi pa rin ipinapaalam ni Ester ang lahi o bansang pinagmulan niya, sapagkat iyon ang bilin ni Mordecai. Sinusunod niya si Mordecai simula pa ng kanyang pagkabata. Patuloy rin niyang sinasamba ang Diyos at sinusunod ang kautusan; hindi niya tinatalikdan ang kanyang pagiging Judio.
Read full chapterFootnotes
- 19-23 Iniligtas ni Mordecai ang Hari: Karugtong ito (bagaman may kaunting pagbabago sa anyo) ng salaysay na matatagpuan sa A:12-15.