Font Size
Ester 2:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 2:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Iniligtas ni Mordecai ang Hari[a]
19 Samantala, si Mordecai naman ay naitalaga sa isang mataas na katungkulan sa pamahalaan. 20 Hanggang sa panahong iyon, hindi pa rin ipinapaalam ni Ester ang lahi o bansang pinagmulan niya, sapagkat iyon ang bilin ni Mordecai. Sinusunod niya si Mordecai simula pa ng kanyang pagkabata. Patuloy rin niyang sinasamba ang Diyos at sinusunod ang kautusan; hindi niya tinatalikdan ang kanyang pagiging Judio.
21 Dahil itinaas sa tungkulin si Mordecai, nagalit sa hari ang dalawang eunukong bantay-pinto na sina Gabata at Tara. Kaya't binalak nilang patayin ang hari.
Read full chapterFootnotes
- 19-23 Iniligtas ni Mordecai ang Hari: Karugtong ito (bagaman may kaunting pagbabago sa anyo) ng salaysay na matatagpuan sa A:12-15.