Add parallel Print Page Options

“Pumili kayo ng mga tauhan sa bawat lalawigan para humanap ng magagandang dalaga sa kanilang lugar at dalhin sa inyong harem sa Lunsod ng Susa. Ipagkatiwala ninyo sila kay Hegai, ang eunukong namamahala sa harem ng hari, at bigyan ninyo sila ng mga pampagandang kailangan nila. Ang sinumang maibigan ng hari ang siyang ipapalit kay Vasti.” Nagustuhan ng hari ang panukalang ito, at ganoon nga ang kanyang ginawa.

Noon ay may isang Judio na nakatira sa Lunsod ng Susa, ang kapitolyo ng Persia. Siya'y si Mordecai na anak ni Jair at apo ni Simei na anak naman ni Kis. Si Mordecai ay mula sa lipi ni Benjamin.

Read full chapter