Font Size
Ester 2:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 2:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Noon ay may isang Judio na nakatira sa Lunsod ng Susa, ang kapitolyo ng Persia. Siya'y si Mordecai na anak ni Jair at apo ni Simei na anak naman ni Kis. Si Mordecai ay mula sa lipi ni Benjamin. 6 Isa(A) siya sa mga nabihag ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia mula sa Jerusalem, kasama ni Haring Jeconias ng Juda. 7 Si Mordecai ay may pinsang dalaga na ulilang lubos at siya ang nagpalaki. Ang pangalan niya'y Ester na anak ng tiyo ni Mordecai na si Aminadab. Nang mamatay ang mga magulang ni Ester, inampon na siya ni Mordecai at itinuring na parang tunay na anak.[a] Napakaganda at kabigha-bighani si Ester.
Read full chapterFootnotes
- 7 itinuring na parang tunay na anak: Sa ibang manuskrito'y pinalaki upang maging asawa nito .