Ester 2:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Si Mordecai ay may pinsang dalaga na ulilang lubos at siya ang nagpalaki. Ang pangalan niya'y Ester na anak ng tiyo ni Mordecai na si Aminadab. Nang mamatay ang mga magulang ni Ester, inampon na siya ni Mordecai at itinuring na parang tunay na anak.[a] Napakaganda at kabigha-bighani si Ester. 8 Bilang tugon sa utos ng hari tungkol sa paghahanap ng magagandang dalaga sa buong kaharian, napasama siya sa maraming dalagang tinipon sa palasyo sa pamamahala ni Hegai na tagapangasiwa sa harem. 9 Nakagaanan siya ng loob ni Hegai, kaya binigyan agad ng pagkain at mga pampaganda. Bukod dito, binigyan din siya ng pitong piling katulong na mula sa palasyo upang paglingkuran siya. Halatang kakaiba ang turing ni Hegai kay Ester at sa mga katulong niya.
Read full chapterFootnotes
- 7 itinuring na parang tunay na anak: Sa ibang manuskrito'y pinalaki upang maging asawa nito .