Font Size
Ester 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Nakagaanan siya ng loob ni Hegai, kaya binigyan agad ng pagkain at mga pampaganda. Bukod dito, binigyan din siya ng pitong piling katulong na mula sa palasyo upang paglingkuran siya. Halatang kakaiba ang turing ni Hegai kay Ester at sa mga katulong niya.
10 Subalit hindi sinabi ni Ester kung saang lahi o sambahayan siya nagmula dahil iyon ang bilin sa kanya ni Mordecai. 11 Araw-araw namang nagpupunta si Mordecai sa bulwagan ng harem upang alamin ang kalagayan ni Ester.
Read full chapter