Font Size
Ester 3:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ester 3:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Pagkatapos, kinuha ng hari ang kanyang singsing na pantatak,[a] at ibinigay kay Haman na anak ni Hamedata na Agageo, ang kalaban ng mga Judio. 11 Sinabi ng hari sa kanya, “Sa iyo na lang ang pera mo, pero gawin mo ang gusto mong gawin sa mga Judio.” 12 Kaya noong ika-13 araw ng unang buwan, ipinatawag ni Haman ang lahat ng kalihim ng hari. Nagpagawa siya ng sulat sa kanila para sa mga gobernador ng mga probinsya, mga pinuno ng mga bayan at sa iba pang mga pinuno sa buong kaharian, sa kanilang sariling wika. Ang sulat ay ginawa sa pangalan ni Haring Ahasuerus at tinatakan ng singsing nito.
Read full chapterFootnotes
- 3:10 singsing na pantatak: Ibinigay ito ng hari kay Haman para matatakan niya ang kautusan na isusulat at ipapamigay sa mga tao. (Tingnan ang talatang 12.)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®