Font Size
Ester 3:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ester 3:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Inutusan niya ang lahat ng opisyal na yumukod kay Haman bilang paggalang sa kanya. Pero ayaw yumukod ni Mordecai. 3 Tinanong siya ng ibang pinuno kung bakit hindi niya sinusunod ang utos ng hari. 4 At sinabi niyang isa siyang Judio.[a] Araw-araw, hinihikayat siya ng mga kapwa niya pinuno na yumukod kay Haman pero ayaw pa rin niyang sumunod. Dahil dito, isinumbong nila kay Haman si Mordecai para malaman nila kung pababayaan na lang siya sa ginagawa niya, dahil sinabi niyang isa siyang Judio.
Read full chapterFootnotes
- 3:4 Maaaring ayaw yumukod ni Mordecai kay Haman dahil itinuturing ni Haman na dios ang sarili, at ang isang Judio na tapat sa pananampalataya niya ay hindi yuyukod sa dahilang ito.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®