Font Size
Ester 4:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 4:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 “Alam na alam ng lahat na walang itinatangi ang batas ng kaharian. Sinumang lumapit sa hari, maging lalaki o babae, nang hindi ipinatatawag ay papatayin maliban kung ipatong sa kanya ang gintong setro. Tatlumpung araw na akong hindi ipinapatawag ng hari.”
12 Nang matanggap ni Mordecai ang sagot ni Ester, 13 ganito naman ang ipinasabi niya: “Ester, huwag mo sanang aakalaing dahil nakatira ka sa palasyo ay ligtas ka na.
Read full chapter