Font Size
Ester 4:3-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 4:3-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ang mga Judio naman sa bawat lalawigang naabot ng utos ng hari ay nanangis, nagsuot ng damit-panluksa at naglagay ng abo sa ulo.
4 Lubos na nabahala si Reyna Ester nang malaman niya ang pangyayari mula sa kanyang mga katulong na babae at mga eunuko. Kaya pinadalhan niya ng bihisan si Mordecai, ngunit ayaw nitong tanggapin iyon. 5 Dahil dito, ipinatawag niya si Hatac,[a] isa sa mga eunuko ng hari at itinalagang katulong niya. Pinapunta niya ito kay Mordecai at ipinatanong kung bakit siya nagkakaganoon.[b]
Read full chapter