Ester 4:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Binigyan pa siya ni Mordecai ng isang kopya ng utos ng hari para ipakita kay Ester. Ipinakiusap din niyang ipaliwanag kay Ester ang buong pangyayari upang ipagbigay-alam iyon sa hari. Ipinasabi niya para kay Ester, “Alalahanin mo noong ikaw ay isa pang karaniwang mamamayan, noong ikaw ay nasa akin pang pangangalaga. Alalahanin mo iyon sapagkat ang punong ministrong si Haman ay gumawa ng plano laban sa atin; gusto niya tayong lipuling lahat. Kaya't manalangin ka sa Panginoon, at pagkatapos ay kausapin mo ang hari tungkol sa banta sa atin. Iligtas mo ang ating lahi!”
9 Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, nagbalik si Hatac kay Ester at isinalaysay ang lahat ng sinabi ni Mordecai. 10 Si Hatac ay pinabalik ni Ester kay Mordecai at ganito ang ipinasabi:
Read full chapter