Font Size
Ester 5:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 5:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Piging para sa Hari at kay Haman[a]
5 3 Itinanong(A) ng hari, “Bakit, aking reyna? Sabihin mo kung ano ang ibig mo at ibibigay ko sa iyo, kahit ang kalahati ng aking kaharian.”
4 Sumagot si Ester, “Ang araw na ito ay natatanging araw para sa akin. Kung mamarapatin ng mahal na hari, dumalo kayo ni Haman mamayang gabi sa piging na inihanda ko para sa inyo.”
5 Sinabi ng hari, “Tawagin agad si Haman para masunod ang ibig ni Ester.” Dumalo nga ang hari at si Haman sa handaan ni Ester.
Read full chapterFootnotes
- 3-7 Ang Piging Para sa Hari at kay Haman: Ang kabuuan ng kabanata D ang siyang tumatayo para sa mga talatang 1 at 2 ng kabanatang ito.