Ester 7:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Galit na galit na tumindig ang hari at nagpunta sa hardin ng palasyo. Naiwan naman si Haman at nagmakaawa kay Reyna Ester sapagkat natitiyak niyang siya'y paparusahan ng hari. 8 Nang(A) magbalik ang hari, nakita niya si Haman na nakadapa sa higaan ng reyna at nagmamakaawa. Dahil dito'y pagalit na sinabi ng hari, “Pagbabalakan pa niya ng masama ang reyna at sa loob pa naman ng aking pamamahay!” Nang marinig ito ni Haman, tinakpan niya ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan.
9 Pagkatapos, sinabi ni Harbona,[a] isa sa mga eunuko ng hari, “Nagpagawa na po si Haman ng isang bitayan para kay Mordecai na nagligtas sa buhay ninyo, mahal na hari. Ang taas po ng bitayan ay dalawampu't dalawa't kalahating metro at naroon sa tabi ng kanyang bahay.”
“Doon siya bitayin!” utos ng hari.
Read full chapterFootnotes
- 9 Harbona: o kaya'y Bugatan .