Font Size
Ester 8:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 8:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Itinuro ng hari ang kanyang setro kay Ester. Tumayo naman si Ester at kanyang sinabi, 5 “Kung inyong mamarapatin at kung ako'y kalugud-lugod sa inyo, Kamahalan, nais kong hilingin na inyong pawalang-bisa ang utos na pinakalat ni Haman laban sa mga Judio sa inyong kaharian. 6 Hindi po maatim ng aking damdamin na makitang nililipol ang aming lahi.”
Read full chapter