Add parallel Print Page Options

17 Kinabukasan, ang ikalabing apat na araw, nagpahinga ang mga Judio at masayang nagdiwang. 18 Sa Lunsod ng Susa, dalawang araw nagtipon ang mga Judio noong ikalabintatlo at ikalabing apat na araw. Ikalabing limang araw nang sila'y tumigil at nagdiwang buong maghapon. 19 Ito ang dahilan kung bakit ang mga Judio sa labas ng Susa ay nagdiwang nang ikalabing apat na araw ng ikalabindalawang buwan samantalang ang mga naninirahan sa mga malalaking lunsod ay sa ikalabing limang araw. Maghapon silang nagpipista at nagbibigayan ng mga pagkain sa bawat isa.

Read full chapter