Font Size
Ester 9:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ester 9:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 Kaya, ang pistang ito'y tinawag nilang Pista ng Purim, buhat sa salitang Pur. At dahil sa utos na ito ni Mordecai at sa pagkaligtas nila sa panganib, 27 ipinasiyang ipagdiwang ang dalawang araw na ito taun-taon. Ito'y gagawin nila, ng lahat ng sambahayan, at ng bawat salinlahi sa lahat ng lunsod at mga bayan. 28 Ang mga araw na ito ng Purim ay ipagdiriwang ng lahat ng mga Judio magpakailanman.
Read full chapter