Add parallel Print Page Options

20 Hindi pa ipinapakilala ni Esther ang kanyang pinagmulan o ang kanyang bayan man, gaya ng ibinilin sa kanya ni Mordecai. Sinusunod ni Esther si Mordecai na gaya ng kanyang pagpapalaki sa kanya.

21 Sa mga araw na iyon, samantalang nakaupo si Mordecai sa pintuan ng hari, sina Bigtan at Teres na dalawa sa mga eunuko ng hari, na nagbabantay sa pintuan ay nagalit at hinangad na pagbuhatan ng kamay si Haring Ahasuerus.

22 Ang bagay na ito ay nalaman ni Mordecai at sinabi niya ito kay Reyna Esther, at sinabi ni Esther sa hari sa pangalan ni Mordecai.

Read full chapter