Esther 2:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Sa gayo'y nangyari nang mabalitaan ang utos ng hari at ang kaniyang pasiya, at (A)nang napipisan ang maraming dalaga sa Susan na bahay-hari, sa pamamahala ni Hegai, na si Esther ay dinala sa bahay ng hari, sa pamamahala ni Hegai, na tagapagingat sa mga babae.
9 At ang dalaga ay nakalugod sa kaniya, at nilingap niya; at (B)nagbigay siyang madali sa kaniya ng mga bagay na ukol sa paglilinis, pati ng mga bahagi niya, at ng pitong dalaga na marapat na ibigay sa kaniya, na mula sa bahay ng hari: at inilipat niya siya at ang kaniyang mga dalaga sa pinaka mabuting dako ng bahay ng mga babae.
10 Hindi ipinakilala ni (C)Esther ang kaniyang bayan o ang kaniyang kamaganakan man; sapagka't ibinilin sa kaniya ni Mardocheo na huwag niyang ipakilala.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978