Add parallel Print Page Options

At si Atach ay naparoon, at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo.

10 Nang magkagayo'y nagsalita si Esther kay Atach, at nagpasabi kay Mardocheo, na sinasabi,

11 Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam, na sinoman, maging lalake o babae, na paroroon sa hari (A)sa pinakaloob na looban, na hindi tinatawag, may (B)isang kautusan sa kaniya, na siya'y patayin, liban yaong (C)paglawitan ng hari ng gintong cetro, upang siya'y mabuhay: nguni't hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito.

Read full chapter