Add parallel Print Page Options

10 Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili, at umuwi sa bahay; at siya'y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si (A)Zeres na kaniyang asawa.

11 At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan, at (B)ang karamihan ng kaniyang mga anak, at lahat ng bagay na (C)ipinagkaloob ng hari sa kaniya, at kung paanong siya'y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari.

12 Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari.

Read full chapter