Add parallel Print Page Options

At sinabi ng hari, Sino ang nasa looban? Si Aman nga ay pumasok (A)sa looban ng bahay ng hari, (B)upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya.

At ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya. Narito, si Aman ay nakatayo sa looban. At sinabi ng hari, Papasukin siya.

Sa gayo'y pumasok si Aman. At ang hari ay nagsabi sa kaniya, Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili: Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin?

Read full chapter