Add parallel Print Page Options

20 At si Miriam na (A)propetisa na (B)kapatid ni Aaron, ay (C)tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at (D)sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.

21 At (E)sila'y sinagot ni Miriam,

(F)Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati;
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.

22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng (G)Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.

Ang Israel sa Mara.

23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.[a]

24 At (H)inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 15:23 Kapaitan.