Add parallel Print Page Options

33 Ang bawat sanga ay may tatlong lalagyan na hugis bulaklak ng almendro.[a] 34 Ang katawan ng lalagyan ng ilaw ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendro, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na. 35 May isang hugis bulaklak sa ilalim ng bawat pares ng anim na sanga. 36 Ang mga palamuting bulaklak at ang mga sanga ay isang piraso lamang nang hinulma ang lalagyan ng ilaw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 25:33 almendro: sa Ingles, “almond.”