Add parallel Print Page Options

Ang mga Gagawa ng Tabernakulo(A)

31 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur na mula sa lipi ni Juda. Pinuspos ko siya ng aking Espiritu[a] at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining. Ginawa ko ito upang makagawa siya ng magagandang disenyo at maiukit ito sa ginto, pilak o tanso. Gayundin, upang maging bihasa siya sa pagtabas ng mamahaling bato, mahusay sa paglilok, at dalubhasa sa anumang gawaing pansining.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .