Add parallel Print Page Options

Ang Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan(A)

10 At kanyang sinabi, “Ako ngayo'y nakikipagtipan. Sa harap ng iyong buong bayan ay gagawa ako ng mga kababalaghan na kailanma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alinmang bansa; at ang buong bayan na kasama ay makakakita ng gawa ng Panginoon, sapagkat kakilakilabot na bagay ang aking gagawing kasama mo.

11 “Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito. Tingnan mo, aking pinalalayas sa harap mo ang mga Amoreo, mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Heveo, at ang mga Jebuseo.

12 Mag-ingat ka na huwag makipagtipan sa mga nakatira sa lupain na iyong patutunguhan, baka ito'y maging isang bitag sa gitna mo.

13 Inyong(B) wawasakin ang kanilang mga dambana, at sisirain ninyo ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga sagradong poste.[a]

14 Sapagkat hindi ka sasamba sa ibang diyos, sapagkat ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin ay Diyos na mapanibughuin.

15 Huwag kang makipagtipan sa mga nakatira sa lupain, sapagkat kapag sila ay nagpapakasama sa kanilang mga diyos at naghahandog sa kanilang mga diyos, mayroon sa kanilang mag-aanyaya sa inyo, at ikaw ay kakain ng kanilang handog.

16 At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalaki sa kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae na nagpapakasama sa kanilang mga diyos ay pasusunurin ang inyong mga anak na magpakasama sa kanilang mga diyos.

17 “Huwag(C) kang gagawa para sa iyo ng mga diyos na hinulma.”

Ang Batas ng Pangako

18 “Ang(D) Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay iyong ipapangilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang pampaalsa na gaya ng iniutos ko sa iyo sa takdang panahon sa buwan ng Abib, sapagkat sa buwan ng Abib ay umalis ka sa Ehipto.

19 Ang(E) lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin, at gayundin ang lahat ng hayop na lalaki, ang panganay ng baka at ng tupa.

20 Ang(F) panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero, o kung hindi mo ito tutubusin ay iyong babaliin ang kanyang leeg. Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.

21 “Anim(G) na araw na gagawa ka, ngunit sa ikapitong araw ay magpapahinga ka; sa panahon ng pagbubungkal at sa pag-aani ay magpapahinga ka.

22 Iyong(H) ipapangilin ang Pista ng mga Sanlinggo, ang mga unang bunga ng pag-aani ng trigo, at ang kapistahan ng pagtitipon ng ani sa katapusan ng taon.

23 Tatlong ulit sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga kalalakihan sa Panginoong Diyos, ang Diyos ng Israel.

24 Sapagkat palalayasin ko ang mga bansa sa harap mo at palalakihin ko ang iyong mga hangganan; at hindi pagnanasaan ng sinuman ang iyong lupain, kapag ikaw ay umaakyat upang humarap sa Panginoon mong Diyos, tatlong ulit sa isang taon.

25 “Huwag(I) kang mag-aalay sa akin ng dugo ng handog na may pampaalsa; o magtitira man ng handog sa pista ng paskuwa hanggang sa kinaumagahan.

26 Ang(J) pinakaunang bunga ng iyong lupa ay dadalhin mo sa bahay ng Panginoon mong Diyos. Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.”

27 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isulat mo ang mga salitang ito; ayon sa mga salitang ito ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 34:13 Sa Hebreo ay mga Ashera .