Exodo 35:31-35
Magandang Balita Biblia
31 Siya'y pinuspos niya ng Espiritu ng Diyos[a] at binigyan ng kakayahan, kahusayan, at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining. 32 Ginawa niya ito upang makagawa siya ng magagandang disenyo at maiukit ito sa ginto, pilak o tanso. 33 Gayundin, upang maging bihasa siya sa pagtabas ng mamahaling bato, mahusay sa paglilok, at dalubhasa sa anumang gawaing pansining. 34 Siya at si Aholiab, anak ni Ahisamac na mula sa lipi ni Dan, ay binigyan ni Yahweh ng kakayahan para maituro nila sa iba ang kanilang nalalaman. 35 Sila'y binigyan niya ng pambihirang kakayahang gumawa ng gawain ng mga dalubhasang mag-uukit, taga-disenyo, pangkaraniwang manghahabi at ng manghahabi ng lanang asul, kulay ube at pula at ng pinong lino. Kaya nilang gawin ang anumang uri ng gawain.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 35:31 ng Espiritu ng Diyos: o ng kapangyarihan.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.