Font Size
Exodo 25:1-8
Magandang Balita Biblia
Exodo 25:1-8
Magandang Balita Biblia
Mga Handog para sa Santuwaryo(A)
25 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila. 3 Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; 4 lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing; 5 balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya; 6 langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. 7 Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari. 8 Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.