Font Size
Exodo 13:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 13:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Ang paghahandog na ito'y magsisilbing palatandaan, tulad ng tatak sa inyong kamay o sa inyong noo; ito'y pag-alala sa ginawa ni Yahweh nang kayo'y ilabas niya sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.”
Ang Haliging Apoy at Ulap
17 Nang payagan na ng Faraon ang mga Israelita, hindi sa daan patungong Filistia sila pinaraan ng Diyos kahit na iyon ang pinakamalapit. Ayaw niyang ang mga Israelita'y mapasubo agad sa labanan, baka magbago pa sila ng isip at magbalik sa Egipto. 18 Kaya, sila'y pinaligid niya sa ilang, patungong Dagat na Pula;[a] sila'y handang-handang makipaglaban.
Read full chapterFootnotes
- 18 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .